10 Pinakamurang Mikropono para sa Studyo sa Bahay
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Ang paggawa ng musika siguro ang isa sa pinakamagastos na libangan sa mundo. Yun ay, maliban sa pagtikim ng truffles. Kung nag—iisip kang magbuo ng disenteng studyo sa bahay, mahirap makahanap ng paraan na masunod ang badyet na hindi nauuwi sa teribleng tunog. Narito ang sampung pagpipilian para mapaliit ang gastos at makakuha ka pa din ng disenteng tunog, sa pamamagitan ng matalinong pagpili sa isa sa mga pinakaimportanteng gamit sa studyo: mikropono.
Maaari mo ding tingnan ang ilan sa mga sikat na audio track sa AudioJungle para sa iyong proyekto. Maaari ka ding umarkila ng propesyonal sa audio para tulungan kang makuha ang pinakamagandang tunog.



Shure SM57
Sa halagang $100, humigit-kumulang, maaari
mong piliin ang Shure SM57 na mikropono.
(Puwede mong doblehin ang presyo na yan
para sa sikat na dalawang pakete, o ang SM57/58 combo pack.) Kahit na wala
akong totoong ebidensya, narinig ko sa mga kagalang-galang na produser, na si
Lenny Kravitz ay gumagamit ng 57 sa lahat, mula drams, gitara, hanggang sa
boses. Ito din ang karaniwang ipinapagamit na
mikropono sa mga distorted na gitara, kahit na magkano ang badyet mo.

Shure SM58
Ang sikat na Shure SM58 Vocal na Mikropono
ay isang dinamika na mikropono na maaaring makuha
sa halagang $100, at sulit na sulit dahil maaari itong gamitin sa aktwal man o
sa studyo. Kahit na mayroong mas maayos na mikropono
para sa pagrerekord sa studyo, ang mikroponong ito ay magbibigay ng disenteng
tunog sa boses sa maliit na badyet. Mabuti din ito sa mga distorted na gitara
(kahit na ang 57 talaga ang karaniwang pinipili para dito).
Maraming mga bigating artista ang gumagamit
ng 58 sa pagkanta kahit nasa mamahaling studyo sila dahil sa kaya nito ang
malalaking sigaw at hindi nasisira ang tunog. Kung mayroon kang mang-aawit na komportable
lamang kumanta pag may mikropono sa kamay, at
hindi sa stand, ito ang magandang piliin. Mayroon akong magagandang
karanasan sa SM58 sa pagsuporta sa boses.
kahit na mayroon akong U87 o Rode
Classic bilang pangunahing mikropono.

Shure Beta 58
Ang
presyo nito ay naglalaro sa $100 at $200. Kung bibili ka ng SM58 dahil ito ay
murang mikropono, kumpara sa ibang abot-kayang presyo na multi-purpose na
mikropono, at may ekstra kang badyet, maaari mong subukan ang Shure Beta 58A
Ang
tingin ng karamihan dito ay superior sa SM58 sa aplikasyon sa pagkanta, ngunit
wala pa akong masyadong naririnig na magandang balita sa Beta sa ibang
instrumento (kung may narinig ka na,
ipaalam mo sa kumento—hindi ko pa ito nasubukan kahit saan maliban sa boses).



Rode NT3
Ang NT3 Condenser na Mikropono
ay maaaring
mapasaiyo sa $200 – minsan ay halos sa presyong $300, pero kung
maghahanap-hanap ka at pipigilan mo ang sarili mong bumili agad-agad,
makakahanap ka ng mababang presyo.
Ang mikroponong ito ay mahusay na gamitin sa acoustic na gitara, (lalo na kasabay ang SM57 sa butas), tambol at mga dram – lalo doon sa mga may mataas na tono, dahil hindi nakakahuli ang mga ito ng bass. Mahusay na choice din ito para sa boses, maliban lang kung nagrerekord ka ng bass o baritone na mang-aawit.

Rode NTK
Kung gusto mong gumamit ng mikropono na
tulad ng ginamit ni Chad Krueger sa Nickelback’s Long Road, ito ang piliin mo.
Mahahanap mo ang Rode NTK
sa presyong $500, na parang medyo mahal sa
listahang ito, pero tamang hakbang ang mamuhunan sa magandang condenser. Maliit
na halaga ang $500 – sabi ng iba nang lumabas si Long Road, “NTK lang ang
ginamit mo?” Pero ang NTK ay ginamit dahil malakas ang boses
ni Chad at ang mikropono na ito ay may kakayahang i-deliver ang kanta na hindi
nasisira ang tunog. Kung kaya’t tamang piliin ito kung nais mo ng mababang
presyo, pero matibay, malinaw ang tunog at mataas ang kalidad.



Behringer C1
Medyo nahihiya ako sabihin , pero kung ang
NTK ay medyo mahal para sa iyo, ang Behringer C-1
ay isang disenteng alternatibo na maayos ko ding nagamit noon.
Naglalaro ito sa $100. Malayo ito sa tono at kalidad ng NTK, pero maaasahan ito
sa pag-rekord sa bahay. Karamihan sa mga nagrerekord sa bahay ay hindi naman
magpapalagay ng bagay na makakapagkulob ng tunog, kung kaya hindi mo mapapansin
ang kaibahan ng mikropono na ito sa iba (ang kuwarto ang pinaka-imporanteng
gamit sa studyo na dapat mong puhunanan).



M-Audio Nova
Ang malaking capsule condenser ay nasa $130 at sulit sa presyong ito – masasabing mas maayos ito sa Behringer C1. Wala ako nito kaya hindi ko pa ito talagang nasusubukan, pero may mga mapagkakatiwalaang produser ang nagsabi sa akin na sulit ito at dapat kong isama sa listahan. Nagamit ko ito sandali sa isang proyekto at masasabi kong ang Nova ay dapat na kasama sa kahit anong listahan na kinapapalooban ng C1.

Audio Technica AT2020
Ang Audio Technica AT2020USB Condenser USB
na Mikropono
ay maaaring mapasaiyo sa presyong $100
hanggang $150. Napakahusay na mikropono ito na talagang dinesenyo partikular
para masulit ng mga gumagamit sa bahay at project studios, at kayang irekord
lahat mula boses hanggang sa acoustic na instrument, hanggang sa gitara at
drums overhead (kung kaya’t ginawa din itong magaan).

Shure KSM27
Handog ng isa sa mga sikat na tagagawa ng
mikropono sa mundo, ang Shure KSM27.
Ito ay mapapasaiyo sa halagang $300
hanggang $400. Sulit ang cardioid condenser na ito na dinesenyo para sa mga
nagtitipid na musikero: sensitibo sa studyo, pero matibay at kayang tumagal
hanggang sa susunod na palabas. Maaari itong gamitin mula sa boses hanggang
sa mga acoustic na instrumento.



Rode Classic II
Maaaring hindi patas na isama ang Rode
Classic II
sa listahang ito dahil sa mas mataas na
presyo nito, pero kung hinahanap mo ay kalidad kumpara sa bilang, magandang
piliin ito. Maraming lugar na binebenta ito sa halagang $1,800 hanggang $2,000.
Pero may nakita akong $800 hanggang $900. Kung kaya’t tumingin-tingin ka lang
at baka may makita kang magandang presyo.
Nagamit ko na ito para sa rock na tunog at distorted na gitara, pero kahit na ang artistang si Snoop Dogg ay nakagamit na at nagustuhan ang mikroponong ito. Magagamit mo ito sa iba’t-ibang acoustic na instrumento kahit sa drum overheads (pero kailangan mo ng matibay na patungan – dahil mabigat ito!) Isa sa pinakamagandang mikropono para sa ganitong presyo, sa aking opinyon, at talagang sulit ang bawat sentimo.

Isa pang bagay…
Kung nag-aayos ka ng studyo sa bahay, huwag ka nang bumili ng mikropono kung hindi ka din naman bibili ng pop filter. Yun ay maliban kung ang musika mo ay talagang instrumental. Ang maayos na pop filter ay nagkakahalaga ng mula $10 hanggang $50. Ngunit maaari ka din naman gumawa ng sarili mong pop filter.