Paano Mabibigyan ng Buhay ang Iyong mga Instrumento
() translation by (you can also view the original English article)
Ang mga Digital audio workstation ay nagbibigay sa isang producer ng musika ng bagong paraan ng pagsulat ng mga awitin. Kailangan mo lamang ang mouse o trackpad at maaari ka ng gumawa ng nota sa kahit na anong instrumento na nasa iyong computer.
Bagama’t epektibo ang madali at murang paraan ng paggawa ng musika na ito, maaaring mawala ang buhay ng musika.
Dahil ang mga nota ay inilalagay sa halip na ito ay tugtugin sa isang instrumento ng musika, maaaring maging tunog ng isang robot ang iyong musika.
Ang bilis at lakas kung saan pinapatugtog ang bawat nota ay pare-pareho at ang haba ng bawat nota ay nababagay sa tugtog ng iyong piyano.
Kung ang mga instrumento ay ginagamit ng live, ang bilis at lakas ng mga nota ay hindi kailanman perpekto at nararapat na baguhin upang magbigay ng katotohanan sa iyong musika.
Sa katapusan ng video na ito, malalaman mo kung paano gagamitin ang bilis at haba ng iyong musika sa DAW at kung paano bibigyan ng buhay ang iyong awitin.